Gabay Sa Pag-uugali At Pakikipagkapwa Tao

Name:
Location: Butuan City, Region XIII (Caraga), Philippines

xzcxcvbxc

Friday, May 26, 2006

Gabay

1. Huwag mabilis ang dila sa paghatol. Sikaping huwag makapagsalita ng higit sa iyong iniisip, nakikita o ginagawa.

2. Huwag maging madalas ang pagbibitaw ng mga pangako. Kung ikaw ay nakapangako sikaping matupad ng walang pagkukulang at sa pagtupad mo ng iyong pangako, maaaring maging matibay ang pagtitiwala ng iyong kapwa.

3. Huwag mong palampasin ang isang pagkakataon sa pagbibigay ng lakas ng loob at kabutihan sa iyong kapwa-tao. Purihin mo ang gumagawa ng kapuri-puri sino man gumagawa niyon. Kung ang isang paggawa ay nangangailangan ng pagpuna, gawin alang-alang sa ikabubuo at ikawawasto, huwag ikasisira.

4. Bigyan mo ng paggalang at kahalagahan ang iyong kapwa maging ang kaniyang pagkatao, anuman ang katayuan niya sa buhay ay nararapat na iyong igalang ang kaniyang pagkatao, adhikain at mga kuro-kuro. Maging sa pagkamusta sa kaniyang sambahayan at sa kaniyang kasalukuyang kalagayan, pagtatrabaho at pag-aaral.

5. Maging masaya at palangiti; huwag bayaang mapansin kang nakasimangot ng ibang tao. Animnapu at lima (65) kabuuan ng laman ang ginagamit ng tao sa pagsimangot, labing lima (15) lamang sa pag-ngiti makitawa sa mga kuwentong nakakatawa at matutuhan mong ikuwento ito.

6. Magkaroon ng bukas na kaisipan ukol sa mga tanong o suliraning nangangailangan ng pagpapaliwanag ng bawat panig. Makipagliwanagan ka datapwat huwag makipagtalo. Isalaysay mo muna ang iyong pagkukulang o pagkakamali bago mo punahin ang iba.

7. Pabayaan mo ang iyong katangian ang magsalita sa iyong sarili. Huwag ipagmapuri ang iyong katangian at mga nagawa. Gawin mo namang iyong ugali na huwag magsalita ng kapintasan ng iba, maging ang masamang puna sa iba, at maging ang ukol sa tsismis.

8. Maging maingat sa damdamin ng ibang tao. Ang pagpapatawa sa pamamagitan ng kapintasan at pagkukulang ngiba ay hindi nararapat at nakakasakit ng damdamin ng hindi inaasahan.

9. Huwag mong pansinin ang mga maling puna sa iyo. Masiyahan ka sa pamumuhay ng matuwid upang walang maniwala ukol sa masamang punang ikinakalat laban sa iyo.

10. Huwag maging sabik at sakim sa pagtanggap ng kaukulang ganti at papuri sa iyong mga nagawa. Masiyahan sa paggawa ng may pag-ibig, magtiyaga at itanggi ang sarili at ikaw ay gagalangin, gagantimpalaan pagdating ng araw.

11. Maging handa sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Kaya man niya ay ialok pa rin ang iyong tulong. Kung ikaw ay tumutulong, ipakita mong ikaw ay nasisiyahan at hindi yaong pakunwari lamang.

12. Tawagin mo ang tao sa kaniyang pangalan. Ang lahat ng tao ay humahantong lamang sa isang utos ng Diyos na nakasulat sa banal na kasulatan at itinuturo lamang ng isang banal na tagapagturo (Lukas 17:10)

"Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili"